Pages

Labels

Salawikain Part 6

Ang isang mahusay na “sport” na tao.
Ay yaong mga nananalo.

Ginagamit ng tao ang kanyang talino,
Ka-estupiduhan ang iniimbento.

Kung ibig mong tayo’y magkagalit,
Tayo’y maglapit!

Ang gawaing dinali-dali,
Mayari ma’y tagpi-tagpi.

Salawikain Part 5

Wala pang unang pagsisisi,
Lalo’t inosente si Kumare!

Kung minsa’y kailangang magkunwaring gunggong,
Upang magtagumpay ang isang marunong.

Kung mayroong pili ay may paraang
Lunasan ang problema sa kanyang pabuntisan.

Salawikain Part 4


Nakahiga na sa kama,
Gusto pa’y lumapit sa ‘sauna’!

Ang babae sa lansangan,
Gumigiri’t nagtatapang-tapangan.

Kapag buhay ang inutang,
Maghahalo ang balat sa tinalupan.

Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan,
Huwag lang manghihiram o mangungutang.

Salawikain Part 3

Ang di marunong mag-basa,
Torpeng binata ang kapara.

Ang hipong natutulog sa agos,
Karaniwa’y nahahalabos.


Kung saan ka nadapa,
Doon ka gumawa.

Salawikain Part 2

Kung batid mo lamang ako ay mabait,
Ni munti mang ipis ay di ko mapitik;
Ngunit humanda ka ako’y parang lintik,
Pag di ko nasunod ang bisyo ko’t hilig..!

Kumukulo ang tiyan kapag walang laman,
Kaya lang mabundat ay kung may handaan.

Matitiis ang hapdi,
Ang kati ay hindi.

Kapag hindi natin pinagwari-wari,
Malamang na tayo’y magkamali-mali.

Ang lumalakad nang matulin,
Gabi pa rin kung dumating!

Salawkain Part 1

Ang taong ang lakas ng loob ay sobra,
Sa malao’t madali’y mangangailangan ng piyansa.

Pananatiling tapat sa isang lalaki
Ang pinakamalupit na higanti ng babae!

Katulad mo ay aso
Kinakagat ang kahit sino.