Pages

Labels

Salawikain Part 2

Kung batid mo lamang ako ay mabait,
Ni munti mang ipis ay di ko mapitik;
Ngunit humanda ka ako’y parang lintik,
Pag di ko nasunod ang bisyo ko’t hilig..!

Kumukulo ang tiyan kapag walang laman,
Kaya lang mabundat ay kung may handaan.

Matitiis ang hapdi,
Ang kati ay hindi.

Kapag hindi natin pinagwari-wari,
Malamang na tayo’y magkamali-mali.

Ang lumalakad nang matulin,
Gabi pa rin kung dumating!


Ang taong sinungaling,
Dapat maging matandain;
Sa nilubid niyang daing,
Siya’y mahahalata rin.

Ang taong tamad, karaniwan
Ay nakapag-aakay sa kamatayan.

Balat man at malinamnam,
Ay hindi kita bibigyan.

Ang magdamit nang hiram,
Sa daan siya’y hinuhubaran!

Pag ang ilog ay mababaw,
Dinaanan ng lahar.

No comments:

Post a Comment