Pages

Labels

Salawikain Part 4


Nakahiga na sa kama,
Gusto pa’y lumapit sa ‘sauna’!

Ang babae sa lansangan,
Gumigiri’t nagtatapang-tapangan.

Kapag buhay ang inutang,
Maghahalo ang balat sa tinalupan.

Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan,
Huwag lang manghihiram o mangungutang.


Bukas kung makalipas!
Sa linggo kung makalagpas!

Kung gustong patinuin ang isang bata,
Ang rendahan muna ay ang kanyang dila.

Kapagka ang tiyan ay parating bundat,
Nagiging mabagal ang takbo ng utak.
Kain ka nang kain hanggang sa mabusog,
Ngunit huwag hanggang umusli ang pusod..!

Makapito mong isipin,
Kung mananalo ka sa huweteng.

Ang sakit ng kalingkingan,
Ay magaan lang sa sakit ng tiyan.

No comments:

Post a Comment