Pages

Labels

Salawikain Part 6

Ang isang mahusay na “sport” na tao.
Ay yaong mga nananalo.

Ginagamit ng tao ang kanyang talino,
Ka-estupiduhan ang iniimbento.

Kung ibig mong tayo’y magkagalit,
Tayo’y maglapit!

Ang gawaing dinali-dali,
Mayari ma’y tagpi-tagpi.


Naisip mo mang magaling,
Magkaminsa’y mali pa rin.

Matalas man ang dalawang mata,
Mas matalas kung apat na.

Anak na palayawin,
Addict at palaboy ang makakahambing.


Ang anumang ating kainin,
Ay sa kusina manggagaling.

Hindi ka gaanong importante,
Kung mali mo’y di pa nadidiskubre!

Ang kapalaran ko, kapag sasamain,
Nahuhuli ko na’y nakawawala pa rin.

Iyang kalabaw, suotan man ng abito,
Kalabaw at kalabaw rin at di magbabago…..!

Ang kahit di-marapat ay dapat din,
Kung pagiging-dapatin.

Sa panonood ng teevee,
Ay maraming nangyayari.

Ang pangit ay maganda rin,
Kung pangit din ang titingin.

No comments:

Post a Comment